Lumaktaw papunta sa nabigasyon Lumaktaw papunta sa nilalaman Skip to navigation Skip to content

Ready | Translations Portal | English
HomeKumuha ng KitGumawa ng PlanoMaging Maalam

Narito ang Ilang Bagay na Dapat Pag-isipan...

Tandaang regular na irepaso ang inyong plano, mag-update ng impormasyon ng kokontakin at tingnan ang mga supply sa iyong kit upang matiyak na walang nagpaso, nasira o napalitan.

Pagkain

  • Magtabi ng hindi bababa sa sa tatlong araw na supply ng hindi masisirang pagkain.
  • Pumili ng mga pagkain na hindi mangangailangang ilagay sa refrigerator, ihanda o iluto at may kaunti o walang tubig.
  • I-empake ang manu-manong abrelata at mga kubyertos.
  • Iwasan ang mga maaalat na pagkain, dahil nakakauhaw ang mga ito.
  • Piliin ang mga pagkaing kakainin ng iyong pamilya.
    • Mga handa nang kaining delatang karne, prutas at gulay
    • Protina o fruit bars
    • Tuyong cereal o granola
    • Peanut butter
    • Pinatuyong prutas
    • Mga Mani
    • Mga Biskwit
    • Mga delatang juice
    • Hindi nabubulok na pasteurized na gatas
    • Mga pagkaing pang-enerhiya
    • Mga bitamina
    • Pagkaing pangsanggol
    • Mga pagkaing pampaginhawa/pang-alis ng stress