U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

A family of Asian descent walks on a path together, mother, father and young daughter.

Mga Asian American, Native Hawaiian at Pacific Islander

Background at target na madla

Pinakita ng Survey ng Pambansang Sambahayan ng FEMA sa 2023 na 65% ng mga indibidwal na Asian American, Native Hawaiian at Pacific Islander (ANHPI) sa Estados Unidos ay hindi naniniwala na ang paghakbang upang maghanda ay gagawa ng pagbabago. Upang hikayatin ang mga tao sa mga komunidad ng AANHPI na gumawa ng mga pagkilos sa paghahanda, nakatuon ang FEMA sa paglikha ng mga materyales na may kakayahang pangkultura at nasa wika upang matulungan ang mga komunidad na magbahagi ng impormasyon sa paghahanda at simulan ang pakikipag-usap sa pamilya, mga kaibigan at mga kapitbahay.

Para makipag-ugnayan sa mga komunidad ng AANHPI, nagkoordina ang FEMA ng mga roundtable sa buong bansa para mapahusay ang pag-unawa ng ahensya sa kung paano ginagamit ang mga materyales sa paghahanda, tukuyin ang mga naaangkop na channel para magbahagi ng mga materyales at makakuha ng mga kinakailangang pananaw. Ang gawaing ito ay makakatulong sa FEMA na mas mabuting suportahan ang kailangan ng mga komunidad ng AANHPI para sa mga emerhensiya at sakuna.

Tagline

Magsimula ng Pakikipag-usap

Graphics

Bumuo ang Ready Campaign ng toolkit na may pagmemensahe para tulungan ang mga indibiduwal at mga kasosyo sa komunidad na iangat at palakasin ang pagtuon ng National Preparedness Month sa paraan na may kakayahan sa kultura.

Bumuo ang kampanya ng maibabahaging graphics sa kahandaan sa AraboInglesHindiHaponKoreano, Pinasimpleng TsinoTagalogTradisyonal na Tsino at Vietnamese.

Makukuha din ang Graphics ng Pambansang Kahandaan  sa mga wika sa itaas at sa 'Ōlelo Hawai’ian.

alert - info

Mas marami pang mga dulugan ang idaragdag kaya hinihikayat ka naming bumalik para sa mga bagong materyales.

MgaPaglilimbag

Umpisahan ang Fact Sheet na Pag-uusap - Ang layunin ng gabay na ito ay magbigay tulong sa mga nagsasagawa ng mga unang hakbang sa kanilang paglalakbay sa paghahanda. Ang gabay ay magiging available sa ibang mga lengguwahe sa ibang araw.

Mga Video

Gumawa ang FEMA ng mga pampublikong serbisyong anunsiyo na itinatampok ang mga empleyado ng FEMA na humihikayat sa mga tao sa mga magkakaibang komunidad na ito para magsagawa ng mga simpleng hakbang para maghanda.

Mga Bagong Advertisements

Mula noong 2021, lumikha ang FEMA at ang Ad Council ng mga pampublikong serbisyong anunsyo (mga PSA) na idinisenyo upang makatugon sa iba pang mga komunidad na maaari ring hindi katimbang na maapektuhan ng mga sakuna kabilang ang mga komunidad ng Latino, mga komunidad ng Black at African American at mga mas matatandang adult. Sa huling bahagi ng taong ito, ang Ready Campaign ng FEMA ay maglulunsad ng mga bagong PSA na nagtatampok sa mga komunidad ng AANHPI, na nagpapakita kung paano makakapaghanda ang komunidad para sa mga sakuna sa hinaharap.

Mga Social Media na Mensahe

Hinihikayat namin ang lahat na ibahagi ang mga mensahe sa Social Media Toolkit ng National Preparedness Month. Ang pagbabahagi ng mga mensahng ito sa iyong social media o mga group chat ay makakatulong na magsimula ng pakikipag-usap tungkol sa kung bakit at paano maghanda. Kapag nagpo-post sa social media, gamitin ang mga hashtag na #NPM2024 at #StartAConversation.

Maa-access mo ang toolkit sa pamamagitan ng pagbisita sa Social Media Toolkit ng Buwan ng Pambansang Kahandaan | Ready.gov.

Higit Pang Impormasyon

Matuto Kung Paano Protektahan ang Sarili Mo at Ang Pamilya Mo mula sa Emerhesiya at Mga Sakuna

Maghanap ng impormasyon at mga payo kung paano poprotektahan ang sarili mo at ang iyong pamulya bago, sa panahon ng at makalipas ang mga emerhensiya at mga sakuna sa pamamagitan ng pagbisita sa Mga Sakuna at Mga Emerhensiya | Ready.gov. Ang impormasyon sa mga peligrong tulad ng mga pagbahasukdulang init, mga mabilis na kumakalat na apoy at higit pa ay makukuha sa ilang wika. Nagtatampok din ang pahina ng impormasyon tungkol sa mga pang-emerhensiyang alerto, paano gumawa ng plano sa emerhensiya at higit pa.

Maaari ka ring pumunta sa Handa sa Iyong Wika para mag-download ng impormasyon at mga materyales sa mga wika maliban sa Ingles. Ang mga libreng publikasyong ito ay makakatulong sa iyong matuto kung paano maghanda bago, sa panahon ng at makalipas ang mga sakuna, kasama ang pagsasagawa ng plano sa emerhensiya, pagbuo ng kit para sa pang-emerhensiyang supply at paghahanda para sa mga indibiduwal na peligro. Ang mga karagdagang wika ay malapit na i-upload, kaya hinihikayat ka naming madalas tingnan ang pahina.

Last Updated: 09/26/2024

Return to top