U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

smart phones showing fema app

FEMA App: Pangasiwaan ang mga Kalamidad

Ang FEMA App ay ang iyong personalized na mapagkukunan para sa kalamidad, para maramdaman mo na may kapangyarihan ka at handa kang pangasiwaan ang anumang darating na kalamidad sa iyong buhay.

I-download ngayon sa iOS at Android

Image
a hand holding a smart phone open to the FEMA App
feature_mini img

PLANO.

Alamin kung paano maghanda para sa mga karaniwang panganib nang mabilis at madali. Matutulungan ka ng FEMA App na matutunan ang mga pangunahing diskarte sa paghahanda tulad ng kung paano gumawa ng plano sa komunikasyong pang-emerhensiya ng pamilya, kung ano ang iimpake sa iyong emergency kit, at kung ano ang gagawin kaagad pagkatapos ng kalamidad.

feature_mini img

PROTEKTAHAN.

Ang pag-alam kung kailan at kung paano protektahan ang iyong sarili, ang iyong mga mahal sa buhay at ang iyong ari-arian sa panahon ng kalamidad ay maaaring makagawa ng malaking kaibahan. Gamit ang FEMA App, maaari kang makatanggap ng nasa aktong-oras (real-time) na mga alerto sa panahon ng emerhensiya mula sa National Weather Service na may hanggang limang lokasyon sa buong bansa. Makakatulong din ito sa iyo na makahanap ng malapit na silungan kung kailangan mong lumikas sa isang ligtas na lugar.

feature_mini img

PAGBANGON.

Ang FEMA App ay nagbibigay sa iyo ng mga tool na kailangan mo para makabangon pagkatapos ng kalamidad. Alamin kung ang iyong lokasyon ay karapat-dapat para sa tulong ng FEMA, hanapin ang mga lokasyon ng Disaster Recovery Center, at makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinaka-hinihingi na tanong. Agad na kumonekta sa mga mapagkukunan ng kalamidad ng FEMA upang mahanap mo ang tulong na kailangan mo sa panahon na kailangan mo ito.

Matuto nang higit pa sa FEMA App webpage.

Last Updated: 02/10/2023

Return to top