Paghahanda sa Mga Buhawi
Manatiling Ligtas sa Panahon ng
Manatiling Ligtas Pagkatapos ng
Kaugnay na Nilalaman
Ang mga buhawi ay mga marahas na umiikot na mga hanay ng hangin na nagmumula sa ulan na may pagkulog papunta sa lupa. Kayang siranin ng mga buhawi ang mga gusali, naitataob ang mga kotse, nakakalikha ng mga nakamamatay na lumilipad na debris.
Ang buhawi ay maaaring:
- Mangyari anumang oras at kahit saan.
- Magdala ng matitinding hangin, na mahigit sa 200 milya bawat oras.
- Magmukhang parang mga imbudo.
Kung nasa ilalim ka ng buhawi o babala sa matinding panahon:
- Pumunta sa NOAA Weather Radio at iyong lokal na balita o opisyal na mga social media account para sa updated na pang-emergency na impormasyon. Sundin ang mga tagubilin ng mga opisyal ng estado, lokal at tribu.
- Pumunta agad sa ligtas na masisilungan, tulad ng ligtas na kuwarto, silong, storm cellar o maliit na kuwarto sa loob sa pinakamababang lebel ng matibay na gusali.
- Lumayo mula sa mga bintana, pintuan, at mga nasa labas na dingding.
- Huwag pumunta sa ilalim ng overpass o tulay. Mas ligtas ka sa mababang, flat na lokasyon.
- Mag-ingat sa mga lumilipad na debris na maaaring magdulot ng pinsala o pagkamatay.
- Gamitin ang mga braso mo para protektahan ang iyong ulo at leeg.
- Kung hindi ka makakapanatili sa bahay, magsagawa ng mga plano para pumunta sa pampublikong masisilungan.
Paghahanda sa Buhawi
- Alamin ang peligro ng lugar niyo sa buhawi. Sa U.S., ang Midwest at ang Southeast ay may mas malaking peligro para sa mga buhawi.
- Alaminang mga senyales ng buhawi, kabilang ang imiikot no parang imbudong ulat, paparationg na ulap ng mga debris, o malakas na ugong na parang tren.
- Magpatala sa sistema ng babala ng komunidad mo. Ang Emergency Alert System (EAS) at ang NOAA Weather Radio ay nagbibigay din ng mga emergency na alerto. Kung may mga sirena ang inyong komunidad, maging pamilyar sa babalang tono.
- Bigyang pansin ang mga ulat sa panahon. Nahuhulaan ng mga meteorologist kapag ang mga kundisyon ay maaaring tama para sa buhawi.
- Kilalanin at magsanay na pumunta sa ligtas na masisilungan tulad ng ligtas na kuwartong tinayo gamit ang pamantayan ng FEMA o isang storm shelter na tinayo sa pamantayang ICC 500. Ang susunod na pinakamahusay na proteksiyon ay isang maliit na nasa loob na walang bintanang kuwarto, o silong sa pinakamababang lebel ng matatag na gusali.
- Magplano pata sa iyong alagang-hayop. Mahalaga silang miyembro ng inyong pamilya, kaya kailangan nilang maisama sa pang-emergency na plano ng pamilya niyo.
- Maghanda sa pangmatagalang pananatili sa bahay o pag-shelter in place sa pagkalap ng mga pang-emergency na supply, mga supply sa paglilinis, mga hindi nabubulok na pagkain, tubig, mga medikal na supply at gamot.
Pananatiling Ligtas Sa Panahon ng Buhawi
- Pumunta agad sa ligtas na lokasyon na natukoy mo na.
- Bigyang pansin ang EAS, NOAA Weather Radio, o mga lokal na sistema sa pag-aalerto para sa kasalukuyang pang-emergency na information at mga tagubilin.
- Protektahan ang sarili mo sa pagtatakip ng iyong ulo o leeg gamit ang mga braso mo at paglalagay ng materyales tulad ng muwebles at mga kumot sa paligid o sa ibabaw mo.
- Huwag subukang maunahan ang buhawi gamit ang sasaklyan kung nasa kotse ka. Kung ikaw ay nasa kotse o nasa labas at hindi makapunta sa isang gusali, takpan ang iyong ulo at leeg ng iyong mga braso at takpan ang iyong katawan ng coat o kumot, kung maaari.
Pananatiling Ligtas Makalipas ang Buhawi
I-save ang mga tawag mo sa telepono para sa mga emergency at gumamit ng mga text message o social media upang makipag-ugnayan sa pamilya at mga kaibigan.
- Bigyang pansin ang EAS, NOAA Weather Radio, at mga lokal na awtoridad para sa updated na impormasyon.
- Lumayo sa mga natumbang linya ng kuryente o sirang linya ng utility.
- Kontakin ang tagapaglaan niyo ng pangangalaga sa kalusugan kung ikaw ay may sakit at kailangan ng medikal na atensiyon. Maghintay ng higit pang tagubilin sa pag-aalaga at magpatuloy na mag-shelter in place.
- Magsuot ng angkop na kagamitan sa paglilinis tulad ng sapatos na makapal ang suwelas, mahabang pantalon, at guwantes sa pagtatrabaho, gumamit ng angkop na pantakip sa mukha o mga mask kung naglilinis ng amag o ibang debris.