Mga Tips sa Paghahanda sa Pinansyal
Ang mga Amerikano sa lahat ng antas ng kita ay nakaranas ng mga hamon ng pagbuong-muli ng kanilang buhay pagkatapos ng sakuna o iba pan-emerhensiya. Sa mga panahong ito na nakaka-stress, ang pagkakaroon ng access sa personal na pinansyal, insurance, medikal at iba pang mga talaan ay mahalaga para sa mabilis at mahusay na pagsisimula ng proseso ng pagbangon.
- Tipunin ang pinansyal at kritikal na impormasyong personal, sambahayan at medikal.
- Isaalang-alang ang pag-iipon ng pera sa savings account na pang-emerhensyia na maaaring magamit sa anumang krisis. Magtago ng kaunting pera sa bahay sa isang ligtas na lugar. Mahalagang magkaroon ng maliliit na perang papel dahil maaaring hindi gumagana ang mga ATM at credit cards sa panahon ng sakuna kung kailangan mong bumili ng mga kinakailangang supply, gasolina o pagkain.
- Kumuha ng insurance para sa ari-arian (sa mga nagmamay-ari ng bahay o nangungupahan), kalusugan at buhay kung wala ka nito. Hindi lahat ng mga insurance policy ay pareho. Suriin ang iyong policy upang matiyak na ang halaga at mga uri ng saklaw na mayroon ka ay nakakatugon sa mga kinakailangan para sa posibleng panganib. Ang insurance ng mga may-ari ng bahay ay karaniwang hindi sumasakop sa pagbaha, kaya maaaring kailanganin mong bumili ng insurance sa baha mula sa National Flood Insurance Program.
- Para sa higit pang kapaki-pakinabang na mga tips sa paghahanda sa pinansyal, i-download ang Emergency Financial First Aid Kit upang makapagsimula sa pagpaplano ngayon.
Manatiling Ligtas
- Maging maingat sa pagbabahagi ng personal na impormasyon sa pinansyal, tulad ng iyong numero sa bank account, numero ng social security, o numero ng credit.
- Huwag mag-click sa mga link sa texts o email mula sa mga taong hindi mo kilala. Ang mga scammer ay maaaring lumikha ng mga pekeng link sa mga website.
- Tandaan na ang gobyerno ay hindi tatawag o magte-text sa iyo tungkol sa pagkakautang o pagtanggap ng mga pagbabayad na may epekto sa ekonomiya.
- Magkaroon ng kamalayan na maaaring subukan ng mga scammer na makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng social media. Ang gobyerno ay hindi makikipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng social media tungkol sa pagkakautang o pagtanggap ng mga bayad.
- Tandaan na maaaring subukan ng mga scammers na samantalahin ang mga nag-aalala sa pinansyal sa pamamagitan ng pagtawag na may mga opurtunidad na trabaho na magagawa sa bahay , mga alok sa pagsasama-sama ng utang, at mga plano sa pagbabayad ng utang ng estudyante.
- Makipag-ugnayan sa Federal Trade Commission (FTC) sa ftc.gov/complaint kung nakatanggap ka ng mga mensahe mula sa sinumang nagsasabing isang ahente ng gobyerno.
Kit Para sa Pangunang Lunas sa Pinangsyal na Emerhensiya
Ang Emergency Financial First Aid Kit (EFFAK), ay isang pinagsamang publikasyon mula sa Operation HOPE at FEMA, ay makakatulong sa iyong paghahanda sa pinansyal at magbibigay ng mga tips upang mabawasan ang pinansiyal na epekto ng mga sakuna sa iyo at sa iyong pamilya.
Para sa karagdagang impormasyon sa EFFAK bisitahin ang EFFAK Community Page
Para sa mga Organisasyon
Hikayatin ang mga tao sa iyong organisasyon o lugar ng trabaho na maghanda para sa pinansyal. Narito ang ilang ideya para isulong ang paghahanda sa pinansyal sa iyong organisasyon:
- Magdaos ng brown bag meeting.
- Gumawa ng presentasyon sa nakaraang pagpulong ng kawani gamit ang Pangalagaan ang Kritikal na mga Dokumento at Mahahalangang Kagamitan upang suportahan ang iyong talakayan.
- Isama ang impormasyon sa paghahanda sa pinansyal sa buwanang pahayagan ng kawani.
Sa Bahay
Mag-imbak ng mahahalagang dokumento sa alinman sa safety deposit box, external drive o sa cloud para madaling ma-access sa panahon ng kalamidad.
Maglaan ng oras ngayon para pangalagaan ang mahahalagang mga dokumento na ito. Maging maingat sa pagbabahagi ng personal na impormasyon sa pinansyal, gaya ng iyong numero sa bank account, numero ng social security, o numero ng credit
Pagkakakilanlan ng Sambahayan
- Photo ID (upang patunayan ang pagkakakilanlan ng mga miyembro ng sambahayan)
- Birth certificate (upang mapanatili o muling maitatag ang pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng pamilya)
- Social Security card (upang mag-apply para sa tulong sa kalamidad ng FEMA)
- Serbisyo sa Military
- ID tags ng Alagang Hayop
Pinansyal at Legal na Dokumentasyon
- Mga pagbabayad sa pabahay (upang tukuyin ang mga rekord at obligasyon sa pinasyal)
- Ang ilang indibidwal at sambahayan ay maaaring makaranas ng kahirapan sa pinasyal dahil sa pandemya. Kung sa tingin mo ay hindi mo mababayaran ang iyong mga pagbabayad sa tamang oras, makipag-ugnayan kaagad sa iyong bangko at talakayin ang iyong mga opsyon bago laktawan ang anumang mga pagbabayad o gumawa ng anumang iba pang aksyon na salungat sa mga tuntunin ng iyong mga utang.
- Insurance policies (upang muling magtatag ng mga account sa pinansyal)
- Mga mapagkukunan ng kita (upang mapanatili ang mga pagbabayad at kredito)
- Mga statements ng buwis (upang magbigay ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga pinansyal at legal na tagapagkaloob at para mag-apply para sa tulong sa kalamidad ng FEMA)
Medikal na Impormasyon
- Impormasyon ng doktor (kung sakaling kailanganin ang pangangalagang medikal)
- Mga kopya ng impormasyon sa insurance ng pangkalusugan (upang matiyak na ang kasalukuyang pangangalaga ay magpapatuloy nang walang patid)
- Mga rekord ng pagbabakuna
- Mga Gamot
Impormasyon ng Insurance
Ang pagkakaroon ng insurance para sa iyong bahay o ari-arian ng negosyo ay ang pinakamabuting paraan upang matiyak na magkakaroon ka ng mga kinakailangang mapagkukunang pinansyal upang matulungan kang ayusin, muling itayo o palitan ang anumang nasira. Idokumento at ipa-insured ang iyong ari-arian ngayon.
Pang-kontak na Impormasyon sa Sambahayan
- Mga institusyon sa pagbabangko
- Mga ahente ng insurance
- Mga propesyonal sa kalusugan
- Mga tagapagbigay ng serbisy
- Lugar ng pagsamba
Kunin ang Iyong Mga Benepisyo sa Elektronikong Paraan
Ang sakuna ay maaaring makagambala sa serbisyo ng koreo sa loob ng ilang araw o linggo. Kung umaasa ka sa Social Security o iba pang regular na benepisyo, ang paglipat sa mga elektronikong pagbabayad ay simple, makabuluhang paraan upang maprotektahan ang iyong sarili sa pinansyal bago ang mga sakuna. Tinatanggal din nito ang panganib ng mga nakaw na tseke. Ang U.S. Department of the Treasury ay nagrerekomenda ng dalawang mas ligtas na paraan upang makakuha ng mga pederal na benepisyo:
- Direktang deposito sa checking o savings account. Kung nakakuha ka ng mga benepisyong pederal maaari kang mag-sign up sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-333-1795 o mag-sign up online.
- Ang Direct Express® prepaid debit card ay idinisenyo bilang isang ligtas at madaling alternatibo sa papel.
Mag-apply para sa kung nawalan ng trabaho, pangangalagang pangkalusugan, at mga benepisyo sa pagkain at nutrisyon na pinondohan ng gobyerno upang madagdagan ang iyong kita o ipon.
Ang mga serbisyong ito ay nagbibigay-daan sa iyo para magawa ang social distancing at magsagawa ng mga transaksyon sa pagbabangko sa parehong oras.
Kaugnay na Nilalaman
- Worksheet para sa Consumer Financial Protection Bureau (PDF)
- Information Sheet sa Pang-pinansyal na Emerhensiya (PDF)
- Toolkit para sa Paghahanda sa Pinansyal
- Maging Handa para sa Pinansyal na Emerhensiya (PDF)
- Emergency Financial First Aid Kit (EFFAK) (PDF)
- Emergency Financial First Aid Kit (EFFAK) checklists at forms (PDF)
- Emergency Financial First Aid Kit (EFFAK) para sa Malalaking Letra (PDF)
- Emergency Financial First Aid Kit (EFFAK) sa Ibat-ibang Wika (PDF)
- Ihanda ang iyong Pinansyal para sa Natural na Sakuna (Bidyo)
- Pangalagaan ang Mga Kritikal na Dokumento at Mga Mahalagang Kagamitan (PDF)
- Operation HOPE
- I-download ang FEMA mobile app
- National Flood Insurance Program
- DisasterAssistance.gov