U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

Volunteers packing boxes with canned goods

Makibahagi

Magboluntaryo at Mag-donate

Magsanay at Mag-aral

Alamin kung paano mo matutulungan ang iyong komunidad bago pa, habang nangyayari at pagkatapos ng kalamidad o emerhensiya.

Magboluntaryo at Mag-donate

Sa panahon ng pagtugon sa kalamidad, ang mga apektadong komunidad ay lubos na umaasa sa mga organisasyong lokal at nasyonal na nagboboluntaryo upang magbigay ng mga sinanay na boluntaryo at mga kina-kailangang mga supply sa donasyon. Makilahok ngayon sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon o pagboboluntaryo sa isang kagalang-galang na organisasyon.

Image
Volunteers packing boxes with water and canned goods.

Magsanay at Mag-aral

Maaari kang tumulong sa pagsagip ng maraming buhay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga simpleng aksyon upang ihanda ang iyong komunidad o organisasyon para sa isang kalamidad bago ang pag-atake nito. Nag-aalok ang FEMA ng mga libreng pagsasanay at tool sa edukasyon upang sanayin ang iyong sarili at ang iba sa mga pinakamahusay na paraan upang maghanda, tumugon, at makabangon mula sa kalamidad o emerhensiya

Image
An instructor demonstrating CPR on a dummy
  • Ikaw ang Tulong Hanggang sa Dumating ang Tulong, na idinisenyo ng FEMA, ay inaalok bilang online o personal na mga pagsasanay kung saan mo matutunan ang mga pangunahing kaalaman kung paano magligtas ng buhay bago dumating ang isang propesyonal.
  • Ituro ang curriculum sa paghahanda sa iyong paaralan o pasilidad sa pangangalaga ng bata. I-download ang lahat ng kailangan mo para sa mga grade K-12 sa pamamagitan ng aming Ready Kids program.
  • I-promote ang pagiging handa online sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga tip sa paghahanda sa inyong social media accounts sa Ready’s online social media toolkit o mga anunsyo sa serbisyo publiko.
  • Kumuha ng libreng online na independiyenteng kurso sa pag-aaral sa pamamagitan ng Emergency Management Institute ng FEMA o CPR na kurso sa American Red Cross at makakuha ng karagdagang kaalaman upang matulungan ang iyong komunidad na maging mas handa.
  • Kumuha ng OPEN training ng FEMA para ihanda ang iyong Community Based Organization para sa mga pangangailangang pang-emerhensiya.

Last Updated: 08/15/2023

Return to top