U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

A wilted sunflower

Tagtuyot

Bago ang Tagtuyot

Sa Panahon ng Tagtuyot

Kaugnay na Nilalaman

Halos bawat bahagi ng U.S. ay nakakaranas ng mga panahon ng bawas na pag-ulan. Ang pagpaplano nang maaga para sa tagtuyot ay maaaring maprotektahan tayo sa mga tuyong taon.

Bago ang Tagtuyot

Ang pinakamahusay na paraan upang maghanda para sa tagtuyot ay ang pagtitipid ng tubig. Gawing bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ang pagtitipid ng tubig.

Mga Payo sa Pagtitipid ng Panloob na Tubig Bago ang Tagtuyot

Image
a man fixing a leaking sink pipe

PANGKALAHATAN

  • Huwag kailanman magbuhos ng tubig sa drain kapag may iba pang paggagamitan nito. Halimbawa, gamitin ito sa pagdidilig sa iyong mga nasa loob na halaman o hardin.
  • Ayusin ang mga tumutulong gripo sa pagpalit ng mga washer. Ang isang patak sa bawat segundo ay nag-aaksaya ng 2,700 galon ng tubig sa isang taon.
  • Suriin ang lahat ng plumbing para sa mga tagas at ipakumpuni ang anumang mga pagtagas sa tubero.
  • Baguhin ang lahat ng mga gripo sa bahay sa pagkakabit ng mga aerator na may mga flow restrictor.
  • Magkabit ng instant na pang-init ng mainit na tubig sa lababo niyo.
  • I-insulate ang mga tubo ng tubig niyo para mabawasan ang pagkawala ng init at mapigilan na maputol ang mga ito.
  • Magkabit ng ng water-softening system kapag ang mga mineral sa tubig ay makakasira sa mga tubo mo. I-off ang softener habang nagbabakasyon.
  • Pumili ng mga appliance na mas episyente sa enerhiya at tubig.

BANYO

  • Pag-isipang bumili ng low-volume na toilet na gumagamit ng mas kaunti sa kalahati ng mga mas lumang modelo.
  • Magkabit ng toilet displacement device para bawasan ang dami ng tubig na kailangan para mag-flush. Maglagay ng isang galong plastic jug ng tubig sa tangke para ma-displace ang daloy sa toilet. Siguruhin na hindi ito makaabala sa mga bahaging gumagana.
  • Palitan ang iyong showerhead gamit ang ultra-low-flow na bersiyon.

KUSINA

  • Sa halip na gamitin ang pangtapon ng basura, itapon ang pagkain sa basura o magsimula ng isang compost pile para itapon ito.

Mga Payo sa Pagtitipid ng Panlabas na Tubig Bago ang Tagtuyot

Image
Illustration of a sprinkler spraying water on grass

PANGKALAHATAN

  • Kung mayroon kayong well pump, pana-panahong suriin ito. Kung ang awtomatikong bomba ay mag-on at off habang hindi ginagamit ang tubig, may tagas ka.
  • Magtanim ng katutubo at/o nakakayanan ang tagtuyot na mga damo, pantakip sa lupa, mga shrub at mga puno. Kapag nataguyod na, hindi na kakailanganin ng mga tanim niyo ng masyadong pagdidilig. Pagsamahin ang mga tanim batay sa magkakatulad na pangangailangan sa tubig.
  • Huwag magkabit ng mga ornamental na tampok sa tubig (tulad ng mga fountain) maliban kung gumagamit ito ng re-circulated na tubig.
  • Pag-isipan ang pag-ipon ng tubig-ulan saanman praktikal.
  • Kontakin ang lokal mong tagapaglaan ng tubig para sa impormasyon at tulong.

PAG-AALAGA SA LAWN

  • Iposisyon ang mga sprinkler para ang tubig ay mapunta sa lawn at mga shrub at hindi sa nakasementong lugar.
  • Kumpuniin ang mga sprinkler na nag-i-spray ng pinong mist.
  • Regular na suriin ang mga sprinkler system at timing device para masiguro na maayos itong gumagana.
  • Itaas ang blade ng lawn mower na maging hindi bababa sa tatlong pulgada o sa pinakamataas nitong lebel. Ang mas mataas na putol ay humihikayat na mas malalim tumubo ang mga ugat ng damo at humawak ng pagkabasa sa lupa.
  • Magtanim ng buto ng lawn na hindi natutuyo. Bawasan o alisin ang mga lugar ng lawn na hindi madalas ginagamit.
  • Huwag sobrahan ang pataba sa lawn mo. Ang paglalagay ng pataba ay nagpaparami sa pangangailangan sa tubig. Maglagay ng mga pataba na naglalaman ng slow-release, water-insoluble na anyo ng nitrogen.
  • Pumili ng epsiyente sa tubig na sistema ng irigasyon tulad ng drip irrigation para sa mga puno mo, mga shrub at mga bulaklak.
  • Mano-manong diligan sa taglagas at taglamig lang kung kailangan.
  • Gumamit ng mulch sa paligid ng mga puno at tanim para mapanatili ang pagkabasa sa lupa. Nakakatulong din ang mulch na kontrolin ang masasamang dami na nakikipag-agawan sa mga tanim sa tubig.
  • Mamuhunan sa isang weather-based irrigation controller—o smart controller. Awtomatikong ia-adjust ng mga device na ito ang oras at dalas ng pagdidilig batay sa kahalumigmigan ng lupa, ulan, hangin, at mga rate ng evaporation at transpiration. Magtanong sa iyong lokal na ahensya ng tubig upang makita kung mayroong magagamit na rebate para sa pagbili ng isang smart controller.

POOL

  • Mag-install ng water-saving pool filter. Gumagamit ng 180 hanggang 250 galon ng tubig ang isang single back flushing na may tradisyonal na filter.
  • Takpan ang mga pool at spa para mabawasan ang pagsingaw ng tubig.

Sa Panahon ng Tagtuyot

Palaging obserbahan ang estado at lokal na mga paghihigpit sa paggamit ng tubig sa panahon ng tagtuyot. Kontakin ang iyong pamahalaan ng estado o lokal para sa kasalukuyang impormasyon at mga suhestiyon.

Mga Payo sa Pagtitipid ng Panloob na Tubig sa Panahon ng Tagtuyot

Image
Illustration of a shower and a stop watch

BANYO

  • Iwasang i-flush ang toilet kung hindi kailangan. Itapon ang mga tisyu, insekto at ibang katulad na basura sa barurahan kaysa sa toilet.
  • Mag-shower nang mabilis kaysa mag-bath. Buksan lang ang tubig para mabasa at magsabon at pagkatapos muli para magbanlaw.
  • Iwasang hayaang umagos ang tubig habang nagsisipilyo, naghuhugas ng mukha mo o nag-aahit.

LABADA

  • Patakbuhin lang ang mga panlaba ng damit kapag puno na ang load nito o itakda ang lebel ng tubig para sa laki ng load mo.

KUSINA

  • Patakbuhin lang ang mga awtomatikong dishwasher kapag puno na ang load nito. Gamitin ang "light wash" na tampok para gumamit ng mas kaunting tubig.
  • Hugasan ang mga pinggang gamit ang kamay sa pagpuno ng dalawang lalagyan—isang may masabong tubig at ang isa ay pambanlaw na tubig na naglalaman ng kaunting chlorine bleach.
  • Linisin ang mga gulay sa pan na puno ng tubig sa halip na umaagos na tubig mula sa gripo.
  • Iwasang magsayang ng tubig habang hinihintay itong uminit. Saluhin ito para sa ibang magagamitan tulad ng pagdidilig ng tanim o painitin sa kalan o sa microwave.
  • Huwag banlawan ang mga pinggan bago ito ilagay sa dishwasher, alisin lang ang malalaking piraso ng pagkain.
  • Iwasang paagusin ang tubig para i-thaw ang karne o ibang mga frozen na pagkain. I-defrost ang pagkain magdamag sa refrigerator o gamitin ang defrost setting sa iyong microwave.

Mga Payo sa Pagtitipid ng Panlabas na Tubig sa Panahon ng Tagtuyot

Image
hand using a screwdriver to check water levels

PAG-AALAGA SA LAWN

  • Ang malakas na ulan ay nag-aalis sa pangangailangan ng pagdidilig ng hanggang dalawang linggo. Kadalasan sa taon, kailangan lang ng mga lawn ng isang pulgada ng tubig sa bawat linggo.
  • Sauriin ang mga lebel ng pagkabasa ng lupa gamit ang soil probe, pala o malaking screwdriver. Hindi mo kailangang magdilig kung basa pa rin ang lupa. Kung tumatayo ang damo kapag naapakan mo ito, hindi pa nito kailangang madiligan.
  • Kung kailangan nang madiligan ng lawn mo, gawin ito sa maaga sa umaga o late sa gabi, kapag mas malamig ang mga temperatura.
  • Magdilig sa ilang maiikling sesyon sa halip na isang mahaba, upang mas mabuting ma-absorb ng lawn mo ang pagkabasa at iwasan ang runoff.
  • Gumamit ng walis o blower sa halip na hose para linisin ang mga dahon at ibang debris mula sa iyong driveway o bangketa.
  • Iwasang walang nakabantay sa mga sprinkler o hose. Ang hose sa hardin ay maaaring maglabas ng 600 galon o higit pa sa ilang oras lang.
  • Sa matinding tagtuyot, pahintulutan ang mga lawn na mamatay para mapreserba ang mga puno at malalaking shrub.

PAGHUHUGAS NG KOTSE

  • Gumamit ng commercial car wash na nagreresiklo ng tubig.
  • Kung hinuhugasan mo ang sarili mong kotse, gumamit ng shut-off nozzle na maaayos pababa sa pinong spray sa hose mo.

Kaugnay na Nilalaman

Last Updated: 02/08/2022

Return to top