Protektahan ang Iyong Sarili
Habang Nangyayari ang Pagguho
Pagkatapos ng Pagguho
Karagdagang Mga Mapagkukunan
Ang pagguho ay napakaraming niyebe na mabilis na gumagalaw pababa sa bundok, kadalasan sa mga dalisdis (slope) na 30 hanggang 45 degrees. Pagkahinto na ng pagguho, ang niyebe ay nagiging solid na parang kongkreto at hindi na mahukay ang mga tao. Ang mga taong naabutan ng pagguho ay maaaring mamatay dahil sa pagkasakal, trauma o labis na lamig (hypothermia).
Ang mga pagguho ay maaaring:

Sanhi ng mga tao, bagong niyebe at hangin.

Gumagalaw sa bilis na 60 hanggang 80 MPH.

Madalas nangyayari sa panahon ng Disyembre hanggang Marso.
Paano Protektahan ang Iyong Sarili mula sa Pagguho
Ang pinakamahalagang aksyon na maaari mong gawin upang makaligtas sa pagguho ay ginagawa bago pa ito mangyari.
Alamin ang Iyong Panganib sa Pagguho
Alamin ang tungkol sa iyong lokal na panganib sa pagguho. Alamin ang mga senyales ng tumaas na panganib, kabilang ang mga kamakailang mga pagguho at pagsulpot ng mga bitak sa mga dalisdis. Iwasan ang mga lugar na mas mataas ang panganib, tulad ng mga dalisdis na mas matarik sa 30 degrees o mga lugar sa ilalim ng matarik na dalisdis. Kumuha ng pagsasanay sa kung paano makilala ang mga mapanganib na kondisyon at mga lokasyon na madalas nangyayari ang pagguho. Mag-sign up para sa mga alerto mula sa U.S. Forest Service Avalanche Center na malapit sa iyo. Maaaring mayroon ding lokal na sistema ng babala ang iyong komunidad.
Paghahanda para sa Pagguho
Kumuha ng wastong kagamitan upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga pinsala sa ulo at lumikha ng mga air pocket. Tumanggap ng pagsasanay para sa pangunang lunas upang makilala at magamot mo ang pagkasakal, sobrang lamig (hypothermia), malubhang pagkapinsala at pagka-shock. Magsuot ng helmet upang makatulong na mabawasan ang mga pinsala sa ulo at lumikha ng mga air pocket. Magsuot ng avalanche beacon para matulungan ang mga tagasagip na mahanap ka. Gumamit ng avalanche airbag na maaaring makatulong sa iyo para hindi tuluyang malibing. Magdala ng collapsible avalanche probe at maliit na pala para makatulong sa pagsagip sa iba.
Isaalang-alang ang Sunod-sunod na mga Panganib: Sakit sa Coronavirus 2019 (COVID-19)
Tandaan, walang ibendensya na ang malamig na panahon at niyebe ay maaaring pumatay sa sakit na coronavirus. Siguraduhing magkaroon ng ilang malinis na mask na gagamitin kung sakaling mabasa o mamasa-masa ang iyong maska dahil sa niyebe. Ang mga mask na tela ay hindi dapat isuot kapag sila ay mamasa-masa o basa. Siguraduhin na labhan nang regular ang iyong mask.
Ang mga mask ay maaaring magpahirap sa paghinga, lalo na para sa mga sumasali sa mga aktibidad na may mataas na intensidad. Alisin ang iyong mask kung nahihirapan kang huminga. Kung hindi ka makapagsuot ng mask, panatilihin ang distansya na hindi bababa sa anim na talampakan sa pagitan mo at ng iba.
Mga Senyales ng Paggulo
Alamin ang mga senyales ng pagguho, at kung paano gamitin ang mga kagamitang pangkaligtasan at pagsagip.
Sundin ang mga babala ng pagguho sa mga kalsada. Maaaring sarado ang mga kalsada, o maaaring payuhan ang mga sasakyan na huwag huminto sa tabing daan.
Manatiling Ligtas Habang Nangyayari ang Pagguho

- Gumamit at magdala ng mga kagamitang pangkaligtasan at kagamitan sa pagsagip.
- Kung ang iyong partner o iba ay nalibing, tumawag sa 9-1-1 at pagkatapos ay simulan ang paghahanap kung ligtas na gawin ito.
- Kung mayroon kang wastong pagsasanay, gamutin ang iba mula sa pagkakasakal, sobrang lamig (hypothermia), malubhang pagkapinsala at pagka-shock.
Pagbabalik Pagkatapos ng Pagguho
Alamin ang mga senyales at paraan ng paggamot sa sobrang lamig (hypothermia).
- Ang Sobrang Lamig (Hypothermia) ay hindi pangkaraniwang pagbaba ng temperatura sa katawan. Ang temperatura sa katawan na mababa sa 95 degrees ay isang emehensiya.
- Mga Senyales: Panginginig, pagkahapo, pagkalito, panginginig ng mga kamay, pagkawala ng memorya, pagkautal at inaantok.
- Mga Aksyon: Pumunta sa mainit sa kwarto o kanlungan. Painitin muna ang gitna ng katawan—dibdib, leeg, ulo at singit. Panatilihin na tuyo ang tao at nakabalot sa mainit na kumot, pati ang ulo at leeg.
- Virtual na makisali sa iyong komunidad sa pamamagitan ng bidyo at mga tawag sa telepono. Dapat malaman na normal na makaramdam ng pagkabalisa o pagka-stress. Alagaan ang iyong katawan at makipag-usap sa isang tao kung ikaw ay nakakaramdam ng pagkalungkot.
Karagdagang Mga Mapagkukunan
- Impormasyon sa Pagguho (Avalanche Information Sheet) (PDF)
- Pananaliksik sa mga Pagkilos na Protesiyon para sa Pagguho (Protective Actions Research for Avalanche)
- Pagguho: Isaalang-alang ang mga Sunod-sunod na Panganib: COVID-19 (Avalanche: Consider Overlapping Hazards: COVID-19)
- Ang Nasyonal na Sentro para sa Pagguho (The National Avalanche Center)
- Coronavirus (Tugon ng Pederal na Goberno)
- Pagpapanatiling Malusog ang mga Bata sa Panahon ng Pagsiklab ng COVID-19
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 at CPR: