U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

An elevated view of an office with workers working

Plano para sa mga Lokasyon

Manatiling May Alam

Maraming mga emerhensiya at sakuna ang nangyayari nang walang anumang babala. Dahil hindi mo mahuhulaan kung saan ka pupunta para sa mga sakuna, mahalagang magkaroon ng mga plano at supply para sa mga lugar na pinupuntahan mo at ng iyong sambahayan nang regular. Ang pagpaplano nang maaga ay tinitiyak na ikaw at ang iyong pamilya ay malalaman kung ano ang gagawin at magkakaroon ng mga supply na kailangan mo upang maging ligtas nasaan ka man.

Alamin kung anong mga plano ang available para sa mga lokasyong regular mong pinupuntahan. I-customize ang iyong mga personal at pambahay na plano batay sa kung ano ang gagawin ng mga miyembro ng sambahayan kung may nangyaring emerhensiya habang sila ay nasa lokasyong iyon.

Gumawa ng Plano ayon sa Lokasyon

Kabilang sa mga halimbawa ng mga lokasyong isasaalang-alang at planuhin ay ang:

  • Tahanan
  • Lugar ng Trabaho
  • Mga Sasakyan (i-download ang Pang-emerhensiyang Plano sa Commuter)
  • Mga regular na paraan ng transportasyon tulad ng mga tren, urban commuter transit
  • Paaralan at daycare
  • Mga lugar ng pagsamba
  • Mga sports arenas at mga palaruan
  • Mga lokasyon ng libangan gaya ng mga sinehan
  • Mga shopping areas tulad ng mga mall at retail center
  • Mga lokasyon ng turista at paglalakbay gaya ng mga hotels

Mga Karagdagang Pagsasaalang-alang

Upang bumuo ng plano para sa iba't ibang lokasyon, kailangan mong makakuha ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga plano ng organisasyon o mga tagapamahala ng gusali. Sa ilang mga kaso kung ang mga plano ay hindi available, maaaring kailanganin mong makipagtulungan sa tagapamahala ng gusali o iba pang mga miyembro ng organisasyon upang mag-develop o bumuo ng mga plano. Isaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Paano makakuha ng lokal na alerto o mga babala habang naroon ka
  • Pagbuo ng mga sistema ng alarm o alerto
  • Pagbuo ng mga plano sa paglikas kabilang ang mga alternatibong labasan
  • Pagtatayo o mga plano para sa organisasyon na silungan sa lugar
  • Mga supply na kakailanganin mo para sa pansamantalang tirahan

Isaalang-alang kung paano maaaring makaapekto ang uri ng gusali o kapaligiran sa paligid ng gusali sa mga alerto at babala, tirahan at paglikas at ang pangangailangan para sa mga supply. Kasama sa mga halimbawa ang:

  • Ang iisang palapag kumpara sa maraming palapag o matataas na gusali ay may iba't ibang uri ng mga sistema ng alarma, silungan at mga pagsasaalang-alang sa paglikas.
  • Ang mga lokasyon sa lungsod at kanayunan ay maaaring may magkaibang lokal na pagpapalagay at mga plano para sa paglikas kung maapektuhan ang malalaking lugar.
  • Ang mga gusali tulad ng mga paaralan, sports arena at mall ay maaaring may iba't ibang plano para sa paglikas at tirahan depende sa partikular na istraktura ng gusali, o mga ligtas na lokasyon para sa silungan para sa iba't ibang uri ng mga emerhensiya (hal. buhawi).
  • Ang mga lokasyon sa labas tulad ng mga sports field o golf course ay nangangailangan ng mga partikular na plano para sa mabilis na panandaliang silungan (hal. para sa mga bagyo at pagkidlat o buhawi).
  • Maaaring kritikal ang heograpiya para sa ilang panganib (hal. kung mababa ang lugar at madaling maapektuhan ng pagbaha).
  • Ang mga mobile homes, modular na istruktura at iba pang mga gusaling hindi nakakabit sa mga permanenteng pundasyon ay nangangailangan ng pagpaplano para sa paglikas at mga alternatibong lokasyon ng tirahan.

Mga Kapitbahayan, Condominiums at Apartments

  • Makipag-usap sa iyong mga kapitbahay tungkol sa kung paano kayo magtutulungan sa panahon ng emerhensiya.
  • Alamin kung sinuman ang may espesyal na kagamitan tulad ng power generator o dalubhasa tulad ng medikal na kaalaman na maaaring makatulong sa isang krisis.
  • Magpasya kung sino ang titingin sa mga matatanda o may kapansanan na kapitbahay.
  • Gumawa ng mga back-up na plano para sa mga bata kung sakaling hindi ka makakauwi para sa emerhensiya.
  • Ang pagbabahagi ng mga plano at pakikipag-usap nang maaga ay isang magandang diskarte.

Sa Mataas Na Gusali (High-Rise Building)

  • Alamin kung saan ang pinakamalapit na labasan para sa emerhensiya.
  • Alamin ang isa pang paraan kung sakaling ma-block ang iyong unang napili.
  • Magtago sa desk o mesa kung ang mga bagay ay nahuhulog.
  • Lumayo sa mga file cabinets, bookshelf o iba pang bagay na maaaring mahulog.
  • Nakaharap ng malayo sa mga bintana at salamin.
  • Lumayo sa mga panlabas na pader.
  • Tukuyin kung dapat kang manatili sa lugar, sumilong sa lugar o lumayo.
  • Makinig at sundin ang mga tagubilin.
  • Dalhin ang iyong supply kit na pang-emerhensiya, maliban nalang kung sa tingin mo ito ay kontamindado.
  • Huwag gumamit ng elevators.
  • Manatili sa kanan habang bumababa sa hagdanan para magbigay-daan sa mga manggagawang pang-emerhensiya na umakyat.

Nasa Umaandar sa Sasakyan

  • Kung may pagsabog o iba pang dahilan na nagpapahirap sa pagkontrol ng sasakyan, tumabi, ihinto ang sasakyan at i-set ang parking brake.
  • Kung ang emerhensiya ay maaaring makaapekto sa pisikal na katatagan ng daanan, iwasan ang mga overpass, tulay, linya ng kuryente, palatandaan at iba pang mga panganib.
  • Kung ang linya ng kuryente ay bumagsak sa iyong sasakyan, ikaw ay nasa panganib na makuryente, manatili sa loob hanggang maalis ng sinanay na tao ang wire.
  • Makinig sa radyo para sa impormasyon at mga tagubilin kapag available na ang mga ito.
  • Magkaroon ng plano para sa paglalakbay sa pagitan ng trabaho at tahanan at iba pang karaniwang binibisitang mga lokasyon kung sakaling magkaroon ng emerhensiya. I-download ang Pang-emerhensiyang Plano sa Commuter  (PDF).

Last Updated: 02/16/2023

Return to top