Maghanda para sa Mga Bagyo
Manatiling Ligtas sa Panahon ng
Pag-uwi sa Tahanan
Mga Karagdagang Mapagkukunan
Kung nakaligtas ka sa sakuna, mangyaring pumunta sa FEMA.gov para sa up-to-date na impormasyon sa mga kasalukuyang deklarasyon sa sakuna. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong aplikasyon sa tulong sa sakuna, maaari kang tumawag sa (800) 621-3362, pumunta sa disasterassistance.gov o gumamit ng FEMA mobile app.
Ang mga bagyo ay labis na mapanganib at maaaring magsanhi ng malaking pinsala mula sa bugso nito, pinsala sa hangin, pag-agos ng alon at pagbaha. Maaari silang mangyari sa kahabaan ng anumang baybayin sa Untied States o sa anumang teritoryo sa mga karagatang Atlantiko o Pasipiko. Ang storm surge o bugso ng bagyo sa kasaysayan ay nangungunang sanhi ng pagkamatay na nauugnay sa bagyo sa United States.
Panahon ng Bagyo sa Silangang Pasipiko: Mayo 15-Nobyembre 30.
Panahon ng Bagyo sa Atlantiko: Hunyo 1-Nobyembre 30.
Panahon ng Bagyo sa Gitnang Pasipiko: Hunyo 1-Nobyembre 30.
Maghanda para sa Mga Bagyo
Alamin ang Iyong Panganib sa Bagyo
Ang mga bagyo ay hindi lamang problema sa baybayin. Alamin kung paano ang ulan, hangin, tubig, at pati ang mga buhawi ay maaaring mangyari sa malayong lupain mula sa pinagbagsakan ng isang bagyo o tropikal na bagyo. Magsimula nang maghanda ngayon.
Gumawa ng isang Plano para sa Emergency
Tiyaking alam at naiintindihan ng lahat sa iyong sambahayan ang iyong mga plano para sa bagyo. Isama ang opisina, day care ng mga bata, at saanmang madalas mong pinupuntahan sa mga plano mo sa bagyo. Tiyaking mayroon ang iyong negosyo ng isang nagpapatuloy na plano upang magpatuloy sa pagpapatakbo kahit dumating ang sakuna.
Alamin ang iyong Evacuation Zone o Lugar sa Paglikas
Maaaring kailanganin mong lumikas nang mabilis dahil sa bagyo kung nakatira ka sa isang lugar sa paglikas Alamin ang iyong mga ruta sa paglikas, magsanay kasama ang sambahayan mo at mga alagang hayop, at tukuyin kung saan ka dapat mananatili.
- Sundin ang mga tagubilin mula sa mga lokal na tagapamahala ng emergency, na malapit na nagtatrabaho kasama ang mga ahensya ng estado, lokal, tribo, at teritoryo at mga kasosyo. Ibibigay nila ang mga pinakabagong rekomendasyon batay sa banta sa iyong komunidad at naaangkop na mga hakbang para sa kaligtasan.
Kilalanin ang Mga Babala at Alerto
Magkaroon ng maraming paraan upang makatanggap ng mga alerto. I-download ang FEMA appat makatanggap ng mga alerting real-time mula sa National Weather Service hanggang sa limang mga lokasyon sa buong bansa. Mag-sign up para sa mga alerto sa komunidad sa inyong lugar at magkaroon ng kaalaman sa Emergency Alert System (EAS) at Wireless Emergency Alert (WEA), na hindi na nangangailangan ng pag-sign up.
Sa Mga may Kapansanan
Tukuyin kung maaaring kailanganin mo ng karagdagang tulong sa emerhensiya kung ikaw o sinumang iba sa sambahayan mo ay isang indibiduwal na may kapansanan.
Suriin ang Mahahalagang Dokumento
Siguruhin na ang iyong mga patakaran sa insurance at mga personal na dokumento,, tulad ng ID ay napapanahon. Gumawa ng mga kopya at panatilihin ang mga ito sa isang ligtas na protektado ng password sa digital na espasyo.
Patibayin ang iyong Tahanan
Isaayos ang alulod at tuluyan ng tubig, dalhin sa loob ang mga kasangkapan sa labas ng bahay, at isaalang-alang ang mga panangga sa bintana ng bagyo.
Ihanda ang Tech
Panatilihing may charge ang iyong cell phone kapag alam mong na ang isang bagyo ay nasa forecast at bumili ng mga pang-backup na aparato na pang-charge sa de-kuryenteng kasangkapan.
Tulungan ang iyong Kapwa
I-check ang mga kapitbahay, matatanda, o yung maaaring mangailangan ng karagdagang tulong sa paggawa ng mga plano sa bagyo upang makita kung paano ka makakatulong sa iba
Ipunin ang Mga Pantustos
Magkaroon ng sapat na panustos para sa iyong sambahayan, kabilang ang gamot, mga gamit na pamatay ng mikrobiyo at mga supply para sa alagang hayop, sa iyong go bag o kaban ng kotse. Maaaring mawalan ka ng access sa mga panustos na ito sa loob ng maraming araw o linggo pagkatapos ng bagyo.
Manatiling Ligtas Sa panahon ng isang Bagyo
Manatiling May Kaalaman
- Magbigay-pansin sa impormasyong pang-emergency at mga alerto.
- Kung nakatira ka sa isang sapilitan na lugar sa paglikas at sinabi sa iyo ng mga lokal na opisyal na lumikas, gawin ito kaagad.
Pakikitungo sa Panahon
- Tukuyin kung paano pinakamahusay na poprotektahan ang iyong sarili mula sa matinding hangin at pagbaha.
- Sumilong sa isang itinalagang kanlungan para sa bagyo, o isang panloob na silid para sa matitinding hangin.
- Pumunta sa pinakamataas na lebel ng gusali kung na-trap ka ng pagbabaha. Huwag umakyat sa isang saradong attic. Maaari kang ma-trap ng tumataas na tubig baha.
- Huwag maglakad, lumangoy o magmaneho sa tubig-baha. Umikot. Huwag Magpalunod! Kahit ang anim na pulgada lamang ng mabilis na pagbuhos ng tubig ay magagawa kang pabagsakin, at ang isang talampakan ng gumagalaw na tubig ay maaaring walisin ang iyong sasakyan.
Pagbalik sa Tahanan Matapos ang isang Bagyo
- Magbigay-pansin sa mga lokal na opisyal para sa impormasyon at mga espesyal na tagubilin.
- Mag-ingat sa paglilinis. Magsuot ng pamproteksiyong damit, gumamit ng angkop na takip sa mukha o mga mask kapag naglilinis ng amag o mga ibang kalat. Ang mga tao na mayroong asthma o hika at iba pang kondisyon sa baga at/o pagpigil sa immune ay hindi dapat pumasok sa mga gusali na may paglabas ng tubig sa loob o paglaki ng amag na nakikita o naamoy, kahit na wala alerdyi sa amag ang mga indibidwal na ito. Ang mga bata ay hindi dapat tumulong sa mga paglilinis na trabaho sa sakuna.
- Magsuot ng damit pang-proteksiyon at makipagtulungan sa iba.
- Huwag hawakan ang de-kuryenteng kagamitan kung basa ito o kung nakatayo ka sa tubig. Kung ligtas na gawin ito, patayin ang kuryente sa pangunahing breaker o fuse box upang maiwasan ang electric shock.
- Huwag lumubog sa tubig baha, na maaaring mayroong mapanganib na mga pathogen na sanhi ng mga karamdaman. Ang tubig na ito ay maaari ring maglaman ng mga kalat, kemikal, basura at wildlife. Ang mga nasa ilalim ng lupa o bumagsak na mga linya ng kuryente ay maaari ring makakuryente sa tubig.
- I-save ang mga tawag sa telepono para sa mga emergency. Ang mga sistema ng telepono ay madalas bagsak o abala pagkatapos ng sakuna. Gumamit ng mga text message o social media upang makipag-ugnayan sa pamilya at mga kaibigan.
- Idokumento ang anumang pinsala sa pag-aari sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato. Makipag-ugnayan sa iyong kumpanya ng insurance para sa tulong.
Mga Karagdagang Mapagkukunan
Mga Video
- Mga Anunsiyong Pampublikong Serbisyo sa Bugso ng Bagyo
- Ang FEMA ay Accessible: Mga Mensahe sa Kaligtasan mula sa Bagyo
- Maghandang Magbigay ng Proteksiyon:Mga Pampublikong Serbisyong Anunsiyo
Graphics at Social Media
Karagdagang informasiyon
- Linggo ng Pagkahanda sa Pambansang Serbisyo sa Panahon ng Bagyo
- Mga Pamproteksiyong Pagkilos na Pananaliksik para sa Mga Bagyo
- Information Sheet para sa Bagyo (PDF)
- Mga Bagyo ng CDC at Mga Ibang Tropikal na Malalakas na Ulan
- Pambansang Programang Insurance sa Baha na pagsasaklaw para sa pinsala ng baha na hindi nasasaklawan ng insurance ng may-ari ng tahanan
- Sentro ng Serbisyo ng Mapa ng Baha para madetermina ang peligro niyo sa pagbabaha
- Mga Pambansang Mapa ng Peligro sa Bugso ng Bagyo para malaman ang kahinaan niyo