U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

A girl with down syndrome sits on the couch with her mother and brother.

Mga Indibidwal na may Kapansanan

Kumuha ng Kaalaman

Gumawa ng Plano

Bumuo ng Kit

Kaugnay na Nilalaman

Ang kapansanan ay bumabagtas sa bawat demograpikong grupo—may mga taong may kapansanan sa lahat ng edad, lahi, kasarian o bansang pinagmulan. At, ang mga kapansanan ay maaaring makaapekto sa isang tao sa iba't ibang paraan—parehong nakikita at hindi nakikita. Para sa mga taong may mga kapansanan at kanilang mga pamilya, mahalagang isaalang-alang ang mga indibidwal na kalagayan at pangangailangan upang epektibong maghanda para sa mga emerhensiya at sakuna.

Kumuha ng Kaalaman

  • Alamin kung anong mga sakuna ang maaaring makaapekto sa iyong lugar, kung alin ang maaaring tumawag para sa paglikas at kung kailan sumilong sa lugar
  • Panatilihing nakatutok ang NOAA Weather Radio  sa iyong lokal na istasyong pang-emerhensiya at subaybayan ang TV at radyo. Sundin ang mga alerto at babala sa moblie tungkol sa masamang panahon sa iyong lugar.
  • I-download ang FEMA app at kumuha ng mga alerto sa panahon mula sa National Weather Service na may hanggang limang magkakaibang lokasyon saanman sa United States.

Gumawa ng Plano

Sa kaganapan ng isang sakuna makakaya mo ba na ikaw lang sa sariling mo sa loob ng ilang araw? Pagkatapos ng isang sakuna maaaring wala kang access sa medikal na pasilidad o kahit botika. Napakahalagang magplano para sa iyong pang-araw-araw na pangangailangan at malaman kung ano ang iyong gagawin kung maging limitado o hindi available ang mga ito. Ang mga karagdagang hakbang sa pagpaplano ay kinabibilangan ng:

Image
Illustration of a boy in a wheelchair and his grandmother making an emergency supply kit.
  • Gumawa ng network ng suporta ng mga tao na makakatulong sa iyo sa sakuna. Panatilihin ang pang-kontak na listahan sa mahigpit na lalagyan ng iyong  kit na pang-emerhensiya o sa iyong mga electronic device.
  • Ipaalam sa iyong network ng suporta kung saan mo inilalagay ang iyong mga pang-emerhensiya na supply. Maaari mong isaalang-alang ang pagbibigay sa isang pinagkakatiwalaang miyembro ang susi sa iyong bahay o apartment.
  • Magplano nang maaga para sa mapupuntahang transportasyon na maaaring kailanganin mo para sa paglikas o makapunta sa labas o pagkatapos ng sakuna. Makipag-ugnayan sa mga lokal na tagapagkaloob ng transportasyon gayundin sa iyong ahensya na namamahala ng emerhensiya upang matukoy ang mga naaangkop na opsyong naa-access.
  • Maraming mga ahensya na namamahala ng emerhensiya sa lungsod at county ang pinapanatili ang mga boluntaryong pagpapatala para sa mga taong may kapansanan para makilala ang sarili upang makatanggap ng naka-target na tulong sa panahon ng mga emerhensiya at sakuna. Makipag-ugnayan sa iyong lokal na tanggapan na namamahala ng emerhensiya upang malaman ang higit pa.
  • Kung ikaw ay nasa dialysis o iba pang medikal na paggamot na nagpapatuloy sa buhay, alamin ang lokasyon at pagkakaroon ng higit pa sa isang pasilidad na makakatulong sa iyo.
  • Kung gumagamit ka ng mga medikal na kagamitan sa iyong tahanan na nangangailangan ng kuryente, kausapin ang iyong doktor o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa kung ano ang maaari mong gawin upang mapanatiling tumatakbo ito sa panahon ng pagkawala ng kuryente. Maaari mo ring hilingin sa iyong power provider na ilagay ka sa isang listahan para sa priyoridad sa pagbabalik ng kuryente.
  • Mga kalahati ng lahat ng mga Amerikano ay umiinom ng iniresetang gamot araw-araw. Ang isang emerhensiya ay maaaring maging mahirap para sa kanila na muling e-refill ang kanilang reseta o maghanap ng bukas na botika. Ayusin at protektahan ang iyong mga reseta, over-the-counter na gamot, at bitamina upang maghanda para sa emerhensiya.
  • Magsuot ng mga medical alert tag o bracelet. Magdagdag din ng nauugnay na impormasyong medikal sa iyong mga elektronikong device.
  • Kung mayroon kang kapansanan sa pakikipag-usap isaalang-alang ang pagdadala ng mga naka-print na card o pag-imbak ng impormasyon sa iyong mga device upang ipaalam sa mga unang tumugon at sa iba kung paano makipag-ugnayan sa iyo.
  • Kung gumagamit ka ng mga pantulong na teknolohiya, planuhin kung paano ka lilisan gamit ang mga device o kung paano mo papalitan ang kagamitan kung nawala o nasira.
  • Hanapin at i-access ang iyong mga elektronikong rekord ng kalusugan mula sa iba't ibang mapagkukunan sa pamamagitan ng paggamit ng U.S. Department of Health and Human Services' online tool
  • Magplano para sa mga bata at matatanda na maaaring mahihirapan sa hindi pamilyar o magulong kapaligiran. Isaalang-alang ang iyong serbisyo o hayop na sumusuporta o mga alagang hayop at magplano para sa pagkain, tubig at mga supply. Kung kailangan mong lumikas, kailangan mong malaman kung pinahihintulutan ng iyong silungan ang mga alagang hayop o hindi, dahil pinapayagan lamang ng ilang mga silungan ang pang-serbisyo o pang-suporta na mga hayop.
  • Panatilihing may listahan ng mga pinakamalapit na pasilidad na medikal, mga lokal na ospital at pinakamalapit na transportasyon.

Kunin ang Iyong Mga Benepisyo sa Elektronikong Paraan

Ang isang sakuna ay maaaring makagambala sa serbisyo ng koreo sa loob ng mga araw o linggo. Kung umaasa ka sa Social Security o iba pang regular na benepisyo, ang paglipat sa mga elektronikong pagbabayad ay madaling paraan upang maprotektahan ang iyong sarili sa pinansyal bago dumating ang sakuna. Tinatanggal din nito ang panganib ng mga nakaw na tseke. Inirerekomenda ng U.S. Department of the Treasury ang dalawang mas ligtas na paraan para makakuha ng mga ng mga pederal na benepisyo:

  • Direktang deposito sa checking o savings account. Kung nakakuha ka ng mga benepisyong pederal maaari kang mag-sign up sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-333-1795 o mag-sign up online.
  • Ang Direct Express® prepaid debit card ay idinisenyo bilang isang ligtas at madaling alternatibo sa papel. Tumawag sa toll-free sa 877-212-9991 o mag-sign up online.

Bumuo ng Kit

Bilang karagdagan sa pagkakaroon ng iyong mga pangunahing kagamitan sa kaligtasan, ang kit na pang-emerhensiya ay dapat na may mga item upang matugunan ang iyong mga indibidwal na pangangailangan sa iba't ibang mga emerhensiya. Isaalang-alang ang mga item na iyong ginagamit araw-araw at kung alin ang maaaring kailanganin mong idagdag sa iyong kit.

Tips para sa Mga Gamot

  • Makipag-usap sa iyong doktor o parmasyutiko tungkol sa kung paano ka makakagawa ng pang-emerhensiya na supply ng mga gamot.
  • Panatilihing may listahan ng iyong mga iniresetang gamot. Isama ang impormasyon tungkol sa iyong diagnosis, dosis, gaano kadalas, mga pangangailangan sa supply ng medikal at mga allergy.
  • Mag-imbak ng mga karagdagang gamot na hindi inireseta, tulad ng mga pangpawala ng pananakit at lagnat, mga antihistamine at mga gamot laban sa pagtatae.
  • Magkaroon ng cooler at chemical ice packs na available para sa pagpapalamig ng mga gamot na kailangang palamigin.

Tips para sa Mga Taong Bingi o Mahirap Makarinig

  • Radyo para sa Panahon (na may text display at kumikislap na alerto)
  • Mga karagdagang baterya ng hearing-aid
  • Panulat at papel (kung sakaling kailangan mong makipag-usap sa isang taong hindi marunong ng sign language)
  • Battery operated lantern para paganahin ang komunikasyon sa pamamagitan ng sign language o pagbabasa ng labi, lalo na kapag patay ang kuryente at madilim.
  • Mga dagdag na baterya ng hearing-aid

Tips para sa Mga Taong Bulag o Mahina ang Paningin

  • Markahan ang mga pang-emerhensiyang supply gamit ang mga Braille labels o malaking letra. Panatilihing may listahan ng iyong mga pang-emerhensiya na supply at kung saan mo binili ang mga ito sa isang portable flash drive o gumawa ng audio file na nakatago sa ligtas na lugar kung saan mo ito maa-access.
  • Panatilihin ang mga aparatong pangkomunikasyon para sa iyong mga partikular na pangangailangan, tulad ng Braille o deaf-blind na aparato sa komunikasyon bilang bahagi ng iyong supply kit na pang-emerhensiya.

Tips para sa Mga Taong May Kapansanan sa Pagsasalita

  • Kung gagamit ka ng augmentative communications device o iba pang pantulong na teknolohiya planuhin kung paano ka lilisan kasama ang mga device o kung paano mo papalitan ang kagamitan kung ito ay nawala o nasira. Panatilihin ang impormasyon ng modelo at tandaan kung saan nanggaling ang kagamitan (Medicaid, Medicare, pribadong insurance, atbp.).
  • Planuhin kung paano ka makikipag-usap sa iba kung hindi gumagana ang iyong kagamitan, kabilang ang mga nakalamina na card na may mga parirala at/o pictogram.

Mga Indibidwal na may mga Kapansanan sa Intelektwal o Pag-unlad

  • Panatilihing naka-charge at puno ng mga bidyo at aktibidad ang mga handheld electronic device.
  • Bumili ng mga ekstrang charger para sa mga electronic device at panatilihing naka-charge ang mga ito.
  • Isama ang mga kumot at panglubid o maliit na pop-up tent (upang bawasan ang visual stimulation sa isang abalang silid o upang magbigay ng agarang privacy).
  • Isaalang-alang ang isang pares ng mga headphone na nakakakansela ng ingay upang bawasan na sumigla ang pandinig (auditory stimuli).
  • May available na nakakaginhawang pang-meryenda.

Tips para sa Mga Taong May Kapansanan sa Pagkilos

  • Kung gumagamit ka ng power wheelchair, mayroong magaan na manual chair na available bilang backup kung maaari.
  • Ipakita sa iba kung paano i-assemble, i-disassemble at paandarin ang iyong wheelchair.
  • Bumili ng dagdag na baterya para sa power wheelchair o iba pang medikal o pantulong na teknolohiyang device na pinapatakbo ng baterya. Kung hindi ka makabili ng dagdag na baterya, alamin kung anong mga ahensya, organisasyon, o lokal na grupo ng kawanggawa ang makakatulong sa iyong bumili nito. Panatilihing naka-charge ang mga dagdag na baterya sa lahat ng oras.
  • Isaalang-alang ang pagkakaroon ng patch kit o lata ng sealant para sa mga flat na gulong at/o dagdag na inner tube kung ang wheelchair o scooter ay hindi naka-punture proof.
  • Magtabi ng ekstra na mobility device gaya ng tungkod o panlakad kung gumagamit ka nito.
  • Magtabi ng portable air pump para sa mga gulong ng wheelchair.
  • Kung gumagamit ka ng seat cushion upang protektahan ang iyong balat o panatilihin ang iyong balanse at kailangan mong lumikas, isaalang-alang ang pag-iingat ng dagdag na unan sa kamay.
  • Makipag-ugnayan sa mga kapitbahay na maaaring tumulong sa iyo kung kailangan mong lumikas sa gusali.

Tips para sa Mga Indibidwal na may Alzheimer's at Kaugnay na Dementia

  • Huwag hayaang mag-isa ang tao. Kahit na ang mga hindi madaling gumala ay maaaring gawin ito sa mga hindi pamilyar na kapaligiran o sitwasyon.
  • Kung lumikas, tumulong na pamahalaan ang pagbabago sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagdadala ng unan at kumot o iba pang nakaaaliw na bagay na maaari nilang hawakan.
  • Kapag nasa silungan, subukang lumayo sa mga labasan at pumili ng tahimik na sulok.
  • Kung mayroong yugto ng pagkabalisa, tumugon sa mga emosyong ipinahahayag. Halimbawa, sabihin ang "Natatakot ka at gusto mong umuwi. Ayos lang. Nandito lang ako kasama mo."

Karagdagang mga Bagay

  • Ilang araw na supply ng mga iniresetang gamot
  • Listahan ng lahat ng gamot, dosis at anumang allergies
  • Ekstrang salamin sa mata, contacts, hearing aid at baterya
  • Backup supply ng oxygen
  • Listahan ng istilo at serial number ng mga medikal na device (kasama ang mga espesyal na tagubilin para sa pagpapatakbo ng iyong kagamitan kung kinakailangan)
  • Mga kopya ng insurance at Medicare card
  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga doktor, kamag-anak o kaibigan na dapat ipaalam kung nasaktan ka
  • Pagkain ng alagang hayop, dagdag na tubig, ID tag, mga medikal na rekord at iba pang mga supply para sa iyong pang-serbisyo o pang-suportang hayop

Kaugnay na Nilalaman

Mga Bidyo (na may open captions at ASL)

Personal na Paghahanda sa Sakuna

Tayo ay Naghahanda Ara-araw

Last Updated: 02/14/2023

Return to top