Kumuha ng Kaalaman
- Alamin kung anong mga sakuna ang maaaring makaapekto sa iyong lugar, na maaaring mangailangan ng paglikas at kung kailan dapat sumilong sa lugar.
- Panatilihing nakatutok ang NOAA Weather Radio sa iyong lokal na istasyong pang-emerhensiya at subaybayan ang TV, radyo at sundin ang alerto sa mobile at mga babala sa mobile tungkol sa masamang panahon sa iyong lugar.
- I-download ang FEMA app at kumuha ng mga alerto sa panahon mula sa National Weather Service na may hanggang limang magkakaibang lokasyon saanman sa United States.
Gumawa ng Plano
Tukuyin ang anumang espesyal na tulong na maaaring kailanganin mo at isama sa iyong pang-emerhensiya na plano.
- Gumawa ng network ng suporta ng pamilya, mga kaibigan at iba pa na maaaring tumulong sa iyo sa panahon ng emerhensiya at ibahagi ang iyong mga plano sa kalamidad sa kanila. Mag-ensayo ng iyong plano sa kanila.
- Tiyaking mayroon silang ekstra na susi sa iyong tahanan, alamin kung saan mo inilalagay ang iyong mga pang-emerhensiyang supply at kung paano gumamit ng kagamitang nagliligtas-buhay o magbigay ng gamot.
- Kung sumasailalim ka sa mga karaniwang paggamot na pinangangasiwaan ng isang klinika o ospital, alamin ang kanilang mga planong pang-emerhensiya at makipagtulungan sa kanila upang matukoy ang mga back-up na tagapagbigay ng serbisyo.
- Kung mayroon kang kapansanan na nauugnay sa komunikasyon, tandaan ang pinakamabuting paraan upang makipag-usap sa iyo.
- Huwag kalimutan ang iyong mga alagang hayop o mga pang-serbisyo na hayop. Hindi lahat ng silungan ay tumatanggap ng mga alagang hayop kaya magplano ng mga alternatibo.
- Isaalang-alang ang mga mahal sa buhay o kaibigan na nasa labas ng iyong lugar.
- Maghanda ng kit na pang-emerhensiya para sa iyong alagang hayop.
- Para sa kaugnay na impormasyon bisitahin ang aming page sa mga indibidwal na may mga kapansanan.
Kunin ang Iyong Mga Benepisyo sa Elektronikong Paraan
Ang isang sakuna ay maaaring makagambala sa serbisyo ng koreo sa loob ng mga araw o linggo. Kung umaasa ka sa Social Security o iba pang regular na benepisyo, ang paglipat sa mga elektronikong pagbabayad ay madaling paraan upang maprotektahan ang iyong sarili sa pinansyal bago dumating ang sakuna. Tinatanggal din nito ang panganib ng mga nakaw na tseke. Inirerekomenda ng U.S. Department of the Treasury ang dalawang mas ligtas na paraan para makakuha ng mga ng mga pederal na benepisyo:
- Direktang deposito sa checking o savings account. Kung nakakuha ka ng mga benepisyong pederal maaari kang mag-sign up sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-333-1795 o mag-sign up online.
- Ang Direct Express® prepaid debit card ay idinisenyo bilang isang ligtas at madaling alternatibo sa papel.
Kaugnay na Nilalaman
- Maghanda Para sa Mga Emerhensiya Ngayon. Impormasyon para sa Mga Matantanda (PDF)
- May Katuturan ang Paghahanda o Matatanda na mga Amerikano (Bidyo)
- Mga Indibidwal na may Mga Kapansana at Ibang Access at Functional na Pangangailangan
- AARP Operation para sa Paghahanda ng Emerhensiya
- AARP Operation para sa Paghahanda ng Hurricane