Maghanda Ngayon
Manatiling Ligtas Habang Nangyayari
Maging Ligtas Pagkatapos
Nauugnay na Nilalaman
Mayroong iba't ibang uri ng mga emerhensiya sa radiation na nag-iiba-iba sa kung gaano kalaki ang pinsalang naidulot nito at pinsalang idinudulot nito sa publiko. Ang ilang halimbawa ng mga emerhensiya sa radiation ay kinabibilangan ng: nuclear detonation (pagsabog), aksidente sa nuclear power plant, aksidente sa transportasyon na kinasasangkutan ng pagpapadala ng mga radioactive na materyales, o pagkakalantad sa trabaho tulad ng sa lugar ng pagamutan at pananaliksik. Habang ang lawak ng pinsala ay mag-iiba, ang mga hakbang upang protektahan ang iyong sarili mula sa radiation ay pareho. Mapapanatili mong ligtas ang iyong pamilya sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang gagawin at pagiging handa kung may mangyari. Sundin ang mga simpleng hakbang na ito:
Ang pinakamahusay na paraan upang manatiling ligtas sa anumang emerhensiya sa radiation ay ang pumasok sa loob, manatili sa loob at manatiling nakatutok. Ang paglalagay ng materyal sa pagitan mo at ng radiation ay nagbibigay ng proteksyon habang nakikinig ka para sa mga tagubilin mula sa mga tumutugon (responders).
PAANO MANATILING LIGTAS SA PANAHON NA NANGYARI ANG EMERHENSIYA SA RADIATION
Maghanda NGAYON
Tulad ng anumang emerhensiya, kailangan mo ng mapagkakatiwalaang impormasyon, sapat na mga supply at plano para protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya sa panahon ng radiation at nuclear na mga emerhensiya.
- Magkaroon ng ilang paraan para makatanggap ng mga alertong pang-emerhensiya. I-download ang FEMA App at makatanggap ng mga real-time na alerto mula sa National Weather Service na may hanggang limang lokasyon sa buong bansa. Mag-sign up para sa mga alerto ng komunidad sa iyong lugar mula sa iyong lokal na ahensya na namamahala ng emerhensiya upang makatanggap ng napapanahon at partikular na impormasyon para sa iyong lugar. Magkaroon ng de-baterya o hand crank na radyo, para ito ay patuloy na gagana kung mawawala ang ibang paraan ng komunikasyon.
- Gumawa ng Emergency Supply Kit. Isama ang ekstrang ipapalit na damit para sa bawat miyembro ng pamilya, bag para sa basura para sa kontaminadong damit, at selyadong pagkain, tubig at gamot.
- Gumawa ng Pang-Emerhensiyang Plano ng Komunikasyon sa Pamilya. Magpasya kung saan magkikita ang iyong pamilya kung hindi kayo magkikita sa bahay. Alamin kung sino ang mapagkontakan na nasa labas ng estado na maaari mong ipaalam ang iyong kinaroroonan at kaligtasan. Gumawa ng mga plano kasama ang mga kaibigan o pamilya upang matukoy ang mga ligtas na lugar na matutuluyan kung kailangan mong lumikas. I-pamilyar ang iyong sarili sa mga plano sa paaralan, trabaho at pasilidad ng pangangalaga para sa pananatili sa loob/silungan-sa-lugar at paglikas.
Manatiling Ligtas HABANG NANGYAYARI
Sa anumang emerhensiya sa radiation, sundin ang mga prinsipyo ng proteksyon ng radiation ng oras, distansya, at panangga (shielding). Limitahan ang iyong oras na nalantad sa radiation, lumayo hangga't maaari mula sa pinanggalingan ng radioactive, at protektahan ang iyong sarili mula sa radiation sa pamamagitan ng pagpasok sa loob ng isang matibay na gusali.
Kung nasa labas ang emerhensiya, Pumasok ka sa loob. Manatili sa loob. Manatiling nakatutok.
PUMASOK SA LOOB: Kung binigyan ka ng babala tungkol sa posibilidad ng radiation hazard, agad na pumasok sa pinakamalapit na gusali at lumayo sa mga bintana. Maglagay ng maraming pader sa pagitan mo at sa labas upang maprotektahan ka mula sa radiation sa labas.
MGA PAGSABOG NG NUCLEAR: Ang pagsabog ng nuclear (nuclear detonations) ay ang pinaka-mapanganib na emerhensiya sa radiation. Lumilikha ito ng malaki at nakamamatay na putok. Kung ito ay pumutok sa lupa, ang pagsabog ay maaaring sumipsip ng materyal sa hangin at lumikha ng mapanganib, tulad ng buhangin, radioactive particle na tinatawag na fallout.
Para sa pagsabog ng nuclear (nuclear explosion), kung mayroong babala, magtago mula sa pagsabog sa likod ng anumang bagay na maaaring magbigay ng proteksyon. Kung nasa labas ka, humiga nang nakaharap upang maprotektahan ang nakalantad na balat mula sa init at lumilipad na mga pira-pirasong bagay (debris). Pagkatapos lumipas ang shockwave, pumasok sa pinakamalapit na gusali kaagad-agad.
PUMASOK SA LOOB: Pagkatapos ng pagsabog, mayroon kang 10 minuto o higit pa upang makahanap ng nararapat na silungan bago dumating ang fallout. Kung may multi-storey na gusali o basement na ligtas na mapupuntahan sa loob ng ilang minuto pagkatapos ng pagsabog, pumunta kaagad doon. Ang pinakaligtas na mga gusali ay may mga brick o kongkretong pader. Ang mga underground na garahian sa paradahan at subway ay maaari ding magbigay ng magandang silungan.
Manatili sa pinakaproteksiyon na lokasyon (basement o sentro gusali) sa unang 24 ng isang malaking na oras maliban kung may banta ng agarang panganib (hal., sunog, pagtagas ng gas, pagbagsak ng gusali, o malubhang pinsala) o ipinaalam ng mga awtoridad na ligtas na umalis. Mabilis na bumababa ang mga antas ng radiation, nagiging hindi gaanong mapanganib, sa unang 24 na oras.
MANATILING NASA LOOB: Sumilong maliban kung sasabihin na hindi. Kung maaari, patayin ang mga bentilador, air conditioner, at forced-air heating unit na nagpapapasok ng hangin mula sa labas. Isara ang mga bintana at pinto. Isara ang mga damper ng fireplace. Kung ikaw ay inutusang manatili sa loob sa panahon ng emerhensiya ng radiation, ang mga alagang hayop at pang-serbisyong hayop (service animals) ay dapat ding nasa loob. Ang pagkanlung ay karaniwang tumatagal ng hindi bababa sa 24 na oras.
MANATILING NAKATUTOK: Sundin ang mga tagubilin mula sa mga opisyal na tumutusgon sa emerhensiya. Kung pinapayuhan na lumikas, makinig para sa impormasyon tungkol sa mga ruta, mga tirahan, at mga pamamaraan. Kung ikaw ay inilikas, huwag bumalik hangga't hindi sinasabi sa iyo na ligtas na gawin ito ng mga lokal na awtoridad.
Maging Ligtas PAGKATAPOS
Kung nasa labas ka sa panahon ng radiological release o kung sa tingin mo ay mayroon kang radioactive na materyal sa iyong katawan, may mga simpleng hakbang para alisin ito.
- Alisin ang iyong panlabas na layer ng kontaminadong damit upang maalis ang radioactive na materyal mula sa iyong katawan. Ang pag-alis ng iyong panlabas na layer ng damit ay maaaring mag-alis ng hanggang 90% ng radioactive na materyal. Maging maingat sa pag-alis ng iyong damit upang maiwasang kumalas ang radioactive dust. Iwasang hawakan ang iyong mga mata, ilong, at bibig, kung maaari.
- Maglinis. Kung maaari, maligo o maghugas ng sabon at tubig upang alisin ang anumang radioactive particle sa balat o buhok na hindi natatakpan. Kung hindi ka makapaghugas, gumamit ng punasan o malinis na basang tela upang punasan ang anumang balat o buhok na hindi natatakpan. Huwag gumamit ng mga pamunas sa paglilinis ng bahay sa iyong balat. Ang hand sanitizer ay hindi nagpoprotekta laban sa radioactive na materyal. Sundin ang gabay ng CDC sa Pag-alis ng Kontaminasyon sa Iyong Sarili at para sa Iba .
- Linisin ang anumang mga alagang hayop na nasa labas pagkatapos dumating ang radioactive dust. Dahan-dahang suklayin ang balahibo ng iyong alagang hayop upang alisin ang anumang radioactive particle at hugasan ang iyong alagang hayop ng sabon at tubig, kung available.
- Panatilihing hydrated at nakakain: Ligtas na kumain at uminom ng pagkain na nasa loob ng gusali. Ligtas na kumain ng pagkain sa mga selyadong lalagyan na nasa labas basta't punasan mo ang lalagyan ng basang tuwalya o tela bago gamitin. I-seal ang mga tuwalya o panlinis na tela sa isang plastic bag at ilagay ang mga ito na malayo sa mga tao at mga alagang hayop. Ang mga hindi selyadong pagkain mula sa labas ay maaaring kontaminado ng radioactive na materyal. Huwag kumain ng pagkain mula sa iyong hardin, o pagkain o likido na nasa labas at walang takip, hanggang sa sabihin sa iyo ng mga awtoridad na ito ay ligtas.
- Alagaan ang iyong sarili at ang iba: Kung ikaw ay may sakit o nasugatan, makinig sa mga tagubilin kung paano at saan kukuha ng medikal na atensyon. Kung ikaw ay nasa isang pampublikong silungan, abisuhan kaagad ang mga kawani sa pasilidad na iyon upang sila ay tumawag sa lokal na ospital o klinika. Kung nakakaranas ka ng medikal na emerhensiya, tumawag sa 9-1-1.
- Ang banta ng radiation o nuclear na emerhensiya ay maaaring nakaka-stress at makaligtas mula nito ay maaaring nakaka-trauma na karanasan. Alagaan ang iyong sarili at makipag-usap sa isang tao kung ikaw ay nakakaramdam ng sama ng loob. Sundin ang gabay ng CDC para sa pamamahala ng stress sa pangangasiwa ng stress sa panahon na nakakaranas ng nakaka-trauma na pangyayari.
Nauugnay na Nilalaman
- Information Sheet sa Pagsabog ng Nuclear (PDF)
- Kaligtasan sa Pagsabog ng Nuclear: Pagkain, Maiinom na Tubig at Gamot (PDF)
- PrepTalks: Brooke Buddemeier "Pagsalba ng Buhay Pagkatapos ng Pagsabog sa Nuclear." | FEMA.gov
- Centers for Disease Control (CDC): Mga Emerhensiya sa Radiation
- U.S. Environmental Protection Agency (EPA): Pagprotekta ng Iyong Sarili sa Radiation