U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

washing hands in the sink

Mga Pandemya

Maghanda sa Pandemya

Manatiling Ligtas sa Panahon ng

Manatiling Ligtas Pagkatapos ng

Kaugnay na Nilalaman

Ang isang pandemya ay isang pagkalat ng sakit na sumasaklaw sa ilang bansa at nakakaapekto sa maraming tao. Ang mga pandemya ay pinakamadalas dulot ng mga virus na madaling kumakalat sa mga tao.

Ang bagong virus ay maaaring lumabas mula kahit saan ay mabilis na kumakalat sa buong mundo. Mahirap mahulaan kung kailan o saan lalabas ang susunod na bagong pandemya.

Kung nadeklara ang Pandemya:

  • Madalas hugasan ang mga kamay mo gamit ang sabon at tubig ng hindi bababa sa 20 segundo at subukang huwag hipuin ang iyong mga mata, ilong o bibig.
  • Magpanatili ng distansiya ng hindi bababa sa anim na talampakan sa pagitan mo at mga tao na hindi bahagi ng iyong sambahayan.
  • Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang mask kapag nasa publiko.
  • Linisin at i-disinfect ang mga madalas nahihipong bagay at mga surface.
  • Manatili sa bahay hangga't maaari para mapigilan ang pagkalat ng sakit.
  • Sundan ang patnubay ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Paano Ihanda ang Sarili Mo para sa Pandemya

Image
Illustration of a little girl distance learning on her computer. On her computer screen are a teach and several classmates. She is ready to write in her notebook.
  • Matutunan kung paano kumakalat ang mga sakit para makatulong na protektahan ang sarili mo at ang mga ibang tao. Maaaring ikalat ang mga virus sa mga tao, mula sa hindi buhay na bagay at ng mga taong nahawa pero walang mga sintomas.
  • Maghanda para sa posibilidad ng mga paaralan, lugar ng trabaho at mga sentro ng komunidad na masarhan. Imbestigahan at maghanda para sa virtual na koordinasyon para sa paaralan, trabaho (telework) at mga panlipunang aktibidad.
  • Kumalap ng mga supply sakaling kailangan mong manatili sa bahay ng ilang araw o linggo. Maaaring kasama ng mga supply ang mga supply sa paglilinis, hindi nabubulok na pagkain, mga reseta at nakaboteng tubig. Unti-unting bumili ng mga supply para masiguro na ang lahat ay nagkaroon ng pagkakataong bilhin ang kailangan nila.
  • Lumikha ng plano sa emergency para malaman mo at ng pamilya mo ang gagawin at ano ang kailangan mo sakaling may maganap na outbreak. Pag-isipan kung paano maaaring maapektuhan ng pandemya ang mga plano mo para sa mga ibang emergency.
  • Repasuhin ang iyong mga policy sa pangkalusugang insurance para maunawaan kung ano ang kanilang nasasaklawan, kabilang ang mga opsiyon sa telemedicine.
  • Lumikha ng protektado ng password na mga digital na kopya ng mahahalagang dokumento at iimbak ito sa ligtas na lugar. Mag-ingat sa mga scam at panloloko.

Manatiling Ligtas Sa Panahon ng Pandemya

alert - warning

Sundin ang mga pinakabagong patnubay mula sa CDC. Sumangguni sa iyong lokal na departamento ng pampublikong kalusugan ng lokal at estad para sa update sa bakuna at pagte-test.

feature_standalone img

Magpabakuna. Ini-istimula ng mga bakuna ang iyong immune system para gumawa ng mga antibody, kaya ang mga bakuna ay aktuwal na nakakapigil sa mga sakit.

  • Kumilos para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Takpan ang mga pag-ubo at pagbahing. Magsuot ng mask sa publiko. Manatili sa bahay kung may sakit (maliban kung kukuha ng medikal na pag-aalaga). I-disinfect ang mga surface. Maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig ng hindi bababa sa 20 segundo. Kung walang sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer na naglalaman ng hindi bababa sa 60 porsiyentong alkohol. Manatiling anim na talampakan ang layo mula sa mga taong hindi bahagi ng sambahayan mo.
  • Kung naniniwala kang nalantad ka sa sakit, kontakin ang iyong doktor, sundin ang mga tagubilin sa quarantine mula sa mga medikal na tagapaglaan at subaybayan ang mga sintomas mo. Kung nakakaranas ka ng medikal na emergency, tumawag sa 9-1-1 at mag-shelter in place suot ang mask, kung posible, hanggang dumating ang tulong.
  • Magbahagi ng tumpak na impormasyon tungkol sa sakit sa mga kaibigan, pamilya at mga tao sa social media. Ang pagbabahagi ng masamang impormasyon tungkol sa sakit o mga paggamot para sa sakit ay maaaring may seryosong kalalabasan sa kalusugan. Tandaan na nasasaktan ng stigma ang lahat ng tao at maaaring magdulot ng diskriminasyon laban sa mga tao, lugar o mga bansa.
  • Alamin na normal na makaramdam ng pagkabalisa o pagkabahala. Makipag-ugnayan nang virtual sa iyong komunidad sa pamamagitan ng mga tawag sa video at telepono. Alagaan ang iyong katawan at makipag-usap sa isang tao kung nararamdaman mong nababagabag ka.

Manatiling Ligtas Makalipas ang Pandemya

Image
Illustration of two hands being washed with soap under a faucet.
  • Magpatuloy na magsagawa ng mga pamproteksiyong pagkilos, tulad ng:
    • Pananatili sa bahay kapag may sakit ka (maliban kung kukuha ng medikal na pag-aalaga).
    • Pagsunod sa patnubay ng iyong tagapaglaan ng pangangalaga sa kalusugan.
    • Pagtakip sa mga pag-ubo at pagbahing gamit ang tisyu.
    • Paghuhugas ng mga kamay mo gamit ang sabon at tubig ng hindi bababa sa 20 segundo.
  • Siguruhing suriin ang plano ng pamilya mo sa emergency at magsagawa ng mga napapanahong update.
  • Magtrabaho kasama ng komunidad mo para pag-usapan ang mga leksiyon na natutunan mo mula sa pandemya. Magpasya kung paano mo magagamit ang mga karanasang ito para maging mas handa sa mga pandemya sa hinaharap.

Kaugnay na Nilalaman

Last Updated: 12/13/2023

Return to top