Si Pedro ay isang penguin na mahilig matuto tungkol sa kung paano siya puwedeng maging handa at umaksyon sa panahong may emergency para makatulong na manatiling ligtas. Bumibisita siya sa mga kaibigang nasa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos at inaalam ang tungkol sa mga panganib na nangyayari sa kanilang lugar tulad ng mga lindol, buhawi, bagyo, at marami pang iba!
Aklat ng Aktibidad sa Pagiging Handa sa Sakuna

Ang Maghanda kasama si Pedro ay isang libreng programa para sa pagiging handa ng kabataan na nilikha ng American Red Cross, at ipinagmamalaki naming makipagtulungan sa kanila upang mag-alok ng Maghanda kasama si Pedro: Aklat ng Aktibidad sa Pagiging Handa sa Sakuna. Dinisenyo ang sangguniang ito upang turuan ang maliliit na bata at ang kanilang mga pamilya kung paano manatiling ligtas sa panahon ng mga sakuna at emergency sa pamamagitan ng mga nakakatuwang aktibidad tulad ng mga crossword, pahinang kinukulayan, larong pagtutugma-tugma, at higit pa!
Maaaring digital na i-download ang aklat ng aktibidad sa anim na iba’t ibang wika at maaaring i-order nang libre sa Ingles at Espanyol mula sa FEMA warehouse.
Paparating na ang Higit pang Sanggunian
Nasasabik kaming ibigay ang mga karagdagang sanggunian ng Maghanda kasama si Pedro sa hinaharap! Sa ngayon, bisitahin ang redcross.org/pedro para sa karagdagang aklat ng kuwento tungkol sa panganib ng Maghanda kasama si Pedro na maaaring digital na i-download.
I-download ang Aklat ng Aktibidad


Numero ng Publikasyon:
- Maghanda kasama si Pedro: P-2005
- Prepárate Con Pedro (Spanish): P-2035
- 与佩德罗一起做好准备 (Simplified Chinese): P-2087
- Chuẩn bị với Pedro (Vietnamese): P-2089